Tuesday, April 7, 2009

Oo o Hindi

Maganda ang Kanlurang Mindoro lalo na sa bayan ng Sablayan, ako ay nahalina na dito na manirahan mula galing sa malayong dako. Maganda kasi may dagat, may bundok, may kapatagan sa madaling salita mayaman sa magandang tanawin at natural resources sa ingles hindi ko (mai-translate) sadyang biniyayaan ang bayang ito. Halos yata ng mga naninirahan dito ay dayo mula sa kalapit na isla ng Luzon, Visayas at kahit sa Mindanao.

Maingay ngayon ang kampanya nga kompanya ng mina na makapag-umpisa ng kanilang operasyon at pagkuha ng mineral na sinasabing mayaman ang Mindoro, partikular ang bayan ng Sablayan. Alam ninyo mga kababayan ko naroon ang takot dahil ang ganda at saganang tinatamasa natin dito sa ating bayan ay maaaring maglaho sa isang iglap. Hindi naman kailangan nag-aral tayo para maunawaan ang masamang epekto ng pag-mimina. Lalong higit sa pagpatag ng kabundukan at paghuhukay ng malalim, pagproseso gamit ang kemikal at lasong puwedeng umagos pababa ng bundok.

Sabi ng kumpanya kagaya ng Intex Resources, yayama at uunlad ang ating bayan dahil sa pagmimina. Magkakatrabaho daw (iyon ay kung kwalipikado ka at nakapag-aral), magpapagawa ng kalsada (natural at dapat lang dahil kelangan nila ang kalsada upang mahakot ang kanilang nakuhang mineral sa kabundukan), magpapagawa ng hospital o klinika (natural dahil requirements iyon bago sila makapag-umpisa). Hindi naman mataas ang pinag-aralan ko pero sa dami ng napag-alaman kong mga lugar na may mina sakuna at patuloy na naghihirap ang mga lugar nagkasakit pa dahil sa lasong iniwan ng operasyon nila.

Natatakot ako na makalbo ang bundok, umagos ang putik at kemikal sa karagatan at pati lupang sakahan ay maapektuhan, sabi ko nga kung matutuloy ito ay ngayon pa lamang mga kababayan maghanap na tayo ng lugar na maari nating lipatan para hindi na natin danasin pa ang sakuna.

Ang alam ko tanging ang punong bayan Godofredo B. Mintu ng Sablayan ang nakikipaglaban at mahigpit na tumututol sa pagmimina sa ating bayan, mariing hindi ang sagot niya sa tuwing tinatanong siya sa pagmimina. Tama lang naman siguro dahil sa pagdedisisyon ay dalawa lang ang dapat na posisyon at sagot OO at HINDI, walang gitna at walang kompromiso. Ang nakakatuwa ay ito, minsan napadaan ako sa isang barangay may nakausap akong mga tao at tinatanong ko kung ano sa palagay ninyo ang pagkakaroon ng mina sa ating bayan, sabi nila kami tutol, ako ay natuwa. Pero sabi ng isang mama, bakit iyong mga tao ng ating vice mayor ay maiigting na nagpapahiwatig na suportahan ang pagmimina. Nag-isip ako bigla, akala ko noon buo ang loob ng ating sangguniang bayan sa pangunguna ng ating vice mayor na tutulan ang pagmimina sa ating bayan. Nalungkot ako dahil sa mga naririnig kong paliwanag, minsan nagsalita siya sa radyo, ngayon daw hindi pa pinapayagan ang pagmimina, ibig sabihin pagkatapos ng ordinansang moratorium sa loob ng 25 taon ay puwede na, nanang ko po! Mukha yatang sala sa init sala sa lamig! Sa mundo dalawa lang ang paruruunan ng tao langit o impyerno, at sa pagdedesisiyon ang sagot ay Oo o Hindi, walang gitna at walang pasubali! Nakakatakot pag ang lider walang paninindigan ata walang prinsipyong tinitindigan.

Sa mga sitwasyong ganito, dapat mag-isip tayo, hindi natin ipagsawalang bahala ang ating kinabukasan, hindi ko papayagan ang sarili ko na madamay sa mga utak na paurong ng mga taong ito. Ako ay naninindigan kasama sa mabuting layunin ng ating punong-bayan dahil hindi ang kasalukuyan ang kanyang iniisip kundi ang kinabukasan ng sususnod na salinlahi. Ito ang tunay na essence of development, development today and tomorrow without sacrificing what we have today! kaya nga sa mag kababayan kong Muslim, Kristiyano at mga bisaya dito sa ating bayan, tayo ay manindigan ang sagot natinn sa banta ng mina ay isang dumadagundong na HINDI!




11 comments:

  1. harold, patu-patuloy ang pakikibaka upang maipagtanggol ang nag-iisang isla ng mindoro!

    ReplyDelete
  2. Harold salamat sa pagbisista sa blog na ito! tuloy tuloy ang pakikibaka upang maipagtanggol ang nag-iisang isla ng Mindoro!

    ReplyDelete
  3. ..kalokohan na hindi na natin kailangan ng pagmimina..mabuti kayo sumusweldo sa munisipyo.mga tuta ng pulitiko..dahil nakikinabang kayo..Hindi namin kasalanan na ipinanganak ng mahirap pro malaking kasalan ang mamatay ka sa gutom na alam mo naman na may solusyon..Pano kaming mga naghihirap na maliliit na tao..kung tama ang sinasabi mo magbigay ka nga ng mga taong yumaman sa pagsasaka dito sa bayan ng sablayan..Sino ang yumayaman dito siguro alam mo yon..Baka sa dinami daming pinutol mong kahoy kahit isa wla kang itinanim..Pro mining ako dahil mula sa puso ko at hindi diniktahan ng pulitiko.Matagal ng sira ang kalikasan kaya nga bumabaha. Hindi na kayang pigilan ng mga pinagmamalaki nyong kagubatan..Nasaan ba ang mga pundo para sa mga protection dike..Sinisi nyo ang minhan eh hindi pa naman nag-uumpisa..Kailan kayo magdesisyon kung patay na ang mga tao sa gutom..BASTA AKO OO..BAHALA NA KAYO SA SUSUNOD NA GENERATION DAHIL ANG NINUNO KO HINDI RIN NILA ALAM KUNG NAGHIHIRAP AKO NGAYON..BASTA AKO MAGTATRABAHO AKO SA MINAHAN BAKA PAG NAGOPERATE YAN MAUNA KAYONG MAG-APLY MAHIYA NAMAN KAYO..IMULAT NYO NGA ANG MATA NYO .KAMUSTA ANG OSPITAL NATIN, ANG KALSADA EH KAHIT ATM ANG SABLAYAN WALA SA SAN JOSE KA PA MAGWIDRAW..aNG IPINAGMAMALAKI NYONG WOW SABLAYAN KALSADA NGA SIRA..PAG NATULOY ANG MINING AATAKIHIN KAYO SA PUSO KASI PURO NA KARNE KAKAININ NATIN MARAMI NA TAYONG PERA..MABUHAY ANG PRO MINING..saMA-sAMA TAYO SA PAG-UNLAD..PRA MAKASAKAY MAN LANG SA ELEVATOR AT MAGKAROON NG MALL OF ASIA ..

    ReplyDelete
  4. For your information:
    Kaya nanjan ang Intex Mining Corp dahil nakakuha sila ng Mayors Permit. Sa madaling sabi, si Mayor Godofredo Mintu ang pumirma ng permit for mining.

    Wala namang vice mayors permit or councilors permit hindi ba?..

    Buksan naten ang mga isip naten kung sino tlga and ngsasabe ng totoo at ang naninira lng..

    Maraming salamat poh...

    ReplyDelete
  5. HOPE WE ENLIGHTENED THE PEOPLE OF SABLAYAN. BUKSAN MO MGA MATA MO.

    ReplyDelete
  6. para kay MAMAMAYANG, ah mayo's permit pala, kaya pala si VM Gadiano hindi makapgsalita laban sa Intex Resources, dahil namataan namin siyang kasama sa pagpupulong ng mga kawani ng Intex Resources, kelangan ba niya ng suporta...PERA, hinahamon namin siya na MAGSALITA, KONDENAHIN, PALAYASIN sa bayang ito ang kompanya, sa harap ng PUBLIKO ang Intex Resources. Bakit mga kasapi ng Guardians ang lantarang nangangalap ng lagda at mga tao ng VM Gadiano ang nagbubukid bukid para mangalap ng pirma, anu ito doble kara! Ganyan ba ang may malasakit nasaan siya ng Mag hunger strike ng MindoreƱo sa Maynila. Kababayan sige nga pakipaliwanag, ei hayagang nagsasalita ang kanyang amo ni VM Gadiano na si JTV pabor sa pagmimina, who's who? Ikaw nga kasama sa secret meeting ng Intex ayaw mo pa aminin...aminin...bato-bato sa langet huwag angry...

    ReplyDelete
  7. Ang presidente nga di mapalayas ang kumpanya, ikaw pa ang maghamon kay vice-mayor na p alayasin ang INTEX..ang pagkakaalam ko may mga legal na papel ang kumpanya kung bakit nandito yan sa Sablayan,...mag-isip isip ng isa dalawa, tatlo,in fairness kay Vice-mayor Gadiano,nirerespeto nya ang mga pro na kagaya namin..eh kayo,wala kayong ginawa kundi magmura at manlait ng tao..kung wala man sya sa hunger strike hindi iyon dahilan na walang malasakit sya sa mga mindoreƱo..Dapat matuto tayong rumespo at igalang ang kapasyahan ng bawat isa...May batas na ba na ipinag-uutos kung sino lamang tao ang pwedeng kausapin kagaya ng 25 years moratorium na hindi ayon sa saligang batas o may sarili kang Republika ng Sablayan, Lalawigan ng PILIPINAS..

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. @Narumbai. First things first, lets not be one sided. Lets analyze.

    Bkt and Intex Mining nsa Sablayan?.. dahil nakakuha sila ng permit. Sino ang ngiissue ng permit to operate?... Mayors permit!. Sino ang ngsisign ng Mayors Permit?.. hindi pa ba obvious?..

    >> Its easy for you to point fingers. You saw our vice mayor having a meeting with intex mining??.. Please provide proof like pictures or videos? Para mavalidate naten yung mga inaakusa mo s ibang tao. Madali lng nmn mgupload since this is a blog.

    >> Magsalita? Kondenahin?... Kung edukadong tao ka, di ka war freak!.. Don’t you know that our Vice Mayor approves the moratorium of 25 years meaning NO MINING. Thats how educated person reacts, they don’t need to shout they just ACT.

    >> Hyagang ngsasalita si JTV, ok fine. Pero may sarili po taung DESISYON/ PRINSIPYO, tma po ba? Kung papabor b tayo or hindi. Prang tulad ng sinabi ni GIBO(running for President) It doesn’t mean n kung kpartido nya si Gloria mgiging tuta or tautauhan lng cia nito, db? He can decide not to be under Gloria if he becomes the President (manood po kau ng mga debate ng pangulo para makarelate po kau). =D

    Who ever you are NARUMBAI, it only shows n under ka ni MAYOR MINTU. Marame namang pdeng tirahin, bkt isang tao lang ang dinidiin mo, si VICE Mayor ED Gadiano. Isa lng sagot jan, rival siya ngeon ng asawa ni Mintu sa Mayor’s Position.. Tama ba ko?.. that’s why you are using this blog to destroy other person. YOU ARE SO UNFAIR TO OTHERS! ONE SIDED PERSON NARUMBAI!

    SA MGA MAHAL KONG MAMAMAYAN NG SABLYAN, would you still believe on this BIASED PERSON who only wants to destroy anybody that would hinder Mayor’s Wife to become a MAYOR?. GRABE HA!

    Don’t point fingers to other person because three of those fingers are POINTING TO YOU!...

    BUKSAN MO MGA MATA MO!!!!!! THANKS….

    ReplyDelete
  10. Sa mga Mahal kong Mamamayan ng Sablyan, this is only Narumbai's Opinion. He loves pointing fingers to the rivals ng partido ni Mintu. Kasi kung hindi nya to gagawin at and ididiin nya ay ang mga Mintu, mawawalan siya ng trabaho s Munisipyo. =D

    Heres a fact: Sabe ni narumbai s ibang mga topic nya s blog, ang gaganda dw ng mga poster ni Ma. Amelita “Girlie” Villarosa. Magkano dw ang gnastos doon. Parang nakakarelate tayo mga kababayan. Sa Sablayan, nglalakihan din at ang gaganda ng mga poster ni Mayor Mintu with his Wife and the counsilors bago p man mgeleksyon, mgpapasko p nga lng noon. Magkano din kya gnastos dun?... Or Hindi tlga sila ang gumastos noon kundi and taong bayan. Nice we can really relate to your blog, this one: http://sulongsablayan.blogspot.com/2010/02/kamangha-mangha-kagila-gilalas.html

    Like I said, don’t point fingers to other person because three of those fingers are POINTING TO YOU!...

    ReplyDelete