Tuesday, April 7, 2009

Ang Naghuhumiyaw na Pagbigyan Naman

Ano ba naman ito mga kababayan ko ang aga-aga naman ng pulitika sa ating bayan, malayo pa ang taong 2010, ngunit aligaga na ang mga tatakbo sa halalan na nais daw maglingkod sa ating bayan. Tsk., tsk., tsk., madaming problema kinakaharap ng ating bansa pero pulitika ang nasa isip ng mga taong ayaw paawat, hay... Kapag ganito ang kaisipan ng mga taong ito, sa palagay ninyo ba makakapag-isip pa ba sila ng mabuti para sa ikauunlad ng bayan, kung sila ay nanunungkulan sa ating bayan, tiyak ang sagot ninyo hindi.

Sa katunayan may grupo na naghuhumiyaw PAGBIGYAN NAMAN, anu po ba ang nais na ipahiwatig ng mga taong nasa likod na ito? Pagbigyan ng ano? Pagbigyan saan? Tsk., tsk., labo naman, may nabasa akong pulyito na pinamumudmod sa mga kababayan natin at nakasaad duon ang mga panukalang pagbabago pero hindi naman sinabi kung ano. Pero sa kahulihan ay binibigyang diin ang pagbabago sa pamunuan ng ating bayan at iyong sinasabing traditional politician o trapo. Mukhang tinutumbok ang panunungkulan ng kasalukuyang punong bayan Mintu. Pero simpleng lohika bakit sila nagmamakaawa na pagbigyan naman! Ito ay patunay na ang panunungkulan ng ating kasalukuyang lider ay matibay at masasabi nating may kredibilidad. Minsan halos wala tayong marinig na salita mula sa ating punong bayan pero hindi pa ba sapat ang mga proyektong pangkaunlaran na ating nakikita.

Sa totoo lang, kung development lang pag-uusapan hindi hamak na mas angat ang ating bayan kesa sa ibang mga bayan. Nakakalungkot isipin na sa ganitong kaagang panahon puro paninira ang namumutawi sa mga labi ng mga nagbabalak pumalit sa ating alkalde. Ngunit ang tanong mga kababayan ko ano ba ang mabigat na development agenda ang kanilang ibinabandera? Doon sa papel na pinapakalat ng grupong Pagbigyan Naman ei, ginagawa naman ng kasalukuyang administrasyon!

Ako bilang magsasaka, gagap ko ang takbo ng mga taong ito, masyadong pulitika, sino ngayon ang trapo, aber? Ang mga utak ng taong ito ay paurong hindi development oriented. Hay... ang pulitika nga naman. Ang alam ko politics play during the political period pag may eleksiyon at aktwal na halalan. Ei ang tagal pa ng eleksiyon ah, anu na lang ginagawa ng mga taong ito, magampanya? iniwan na ang tungkuling magligkod at tirada personal ang ginagawa, hay..tsk., tsk., mga kababayan kong SablayeƱo, mag-isip at pagnilayan ang kanilang ginagawa.

Basta ako masaya sa nangyayari sa bayan ko!

No comments:

Post a Comment